Senado sa Surigao del Norte ipagpapatuloy ang pagdinig sa Socorro 'cult' | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Senado sa Surigao del Norte ipagpapatuloy ang pagdinig sa Socorro 'cult'

Senado sa Surigao del Norte ipagpapatuloy ang pagdinig sa Socorro 'cult'

Johnson Manabat,

ABS-CBN News

Clipboard

Senate PRIB
Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa at Sen. Risa Hontiveros. Bibo Nueva España/Senate PRIB

MAYNILA — Matapos ang halos 9 oras na pagdinig sa Senado sa kontrobersyal na Socorro Bayanihan Services Inc.. (SBSI), inanunsyo ni Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa na ang susunod na pagdinig ay gagawin mismo sa bayan ng Socorro sa Surigao del Norte.

Sa ambush interview matapos ang hearing, sinabi ni Dela Rosa na seryoso siyang dumayo ang mga mambabatas sa Socorro para doon gawin ang pagdinig at para makita ang tunay na sitwasyon doon.

“Sa Socorro na siguro, we will go there, kasi mas marami silang bibiyahe dito kasi alam mo na hirap din sa buhay yan, mamamasahe pa yan papunta dito… During the break baka next week, mag-usap lang kami ni Sen. Risa Hontiveros at yung ibang miyembro komite,” sabi ni Dela Rosa.

Dinala rin sa isang silid sa Senado ang lider na grupo na si Jey Rence Quilario o "Senior Agila" matapos sumalang sa hearing.

ADVERTISEMENT

Bago ito, dinala din sa clinic ng Senado ang vice president ng SBSI na si Mamerto Galanida matapos sumama ang pakiramdam sa kasagsagan ng pagdinig.

Sabi ni Dela Rosa, pag-uusapan pa nila kung hanggang kailan mananatili ang mga ito sa Senado.

“Pag-uusapan pa namin hanggang kailan baka hanggang buong bakasyon ng Senado. Pag maghi-hearing sa Socorro kung kinakailangan namin ng presensiya nila isasama namin sila pero kung hindi maiwan sila diyan,” sabi ni Dela Rosa.

Natanong din si Dela Rosa kung kakailanganin pa ng dagdag na seguridad sa gusali ng Senado habang nanatili ang 4 na opisyal ng SBSI dahil sa umano’y pagkakaroon nito ng private armed group pero sabi niya ay mukhang hindi na kailangan dahil kakayanin na ito ng Office of the Senate Sergeant-at-Arms.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.