PatrolPH

Magkapatid na kumuha ng learning modules patay sa aksidente sa Samar

ABS-CBN News

Posted at Sep 28 2021 12:55 PM

Patay ang magkapatid matapos bumangga ang sinasakyan nilang motorsiklo sa kasalubong na kotse sa Paranas, Samar noong Lunes.

Ayon sa mga residente, nag-overtake ang magkapatid sa sinusundan nitong bus sa may kalsada sa Barangay Lokilokon kaya bumangga sila sa sasakyan.

Kakakuha lang umano ng magkapatid, na parehong senior high school student, ng kanilang learning modules sa eskuwelahan bago naaksidente.

Ang modules ay ginagamit sa distance learning, kung saan nag-aaral ang mga estudyante mula sa kanilang mga bahay dahil ipinagbabawal pa rin ang malawakang pagdaraos ng face-to-face classes.

— Ulat ni Sharon Evite

FROM THE ARCHIVES:

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.