Mahigit P50 milyong halaga ng ilegal na troso, nasamsam | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Mahigit P50 milyong halaga ng ilegal na troso, nasamsam

ABS-CBN News
Published Sep 28, 2017 09:11 PM PHT

Natunton ng mga awtoridad mula sa National Bureau of Investigation (NBI) ang isang warehouse sa Quezon City na pinag-iimbakan ng mga ilegal na troso.

Sa bisa ng isang search warrant, pinasok ng NBI Environmental Crimes Division ang warehouse ng Herbs and Nature Corporation sa Novaliches.

Natagpuan sa loob ang mahigit 7,000 pirasong mga pinutol na troso ng narra, lauan, kamagong, yakal, at iba pang puno.

Tinatayang mahigit P50 milyon ang kabuuang halaga ng mga ilegal na troso.
Tinatayang mahigit P50 milyon ang kabuuang halaga ng mga ilegal na troso.
ADVERTISEMENT
Itinuturing ito bilang pinakamalaking kargo ng ilegal na trosong naharang ng NBI ngayong taon.

Hinuli ng mga awtoridad ang supervisor ng warehouse at operator.

Ayon sa NBI, isang tip o sumbong ang kanilang natanggap tungkol sa mga trosong nagmula umano sa Northern Luzon.

Pero hindi pa matukoy ang eksaktong pinagputulan ng mga puno at kung gaano katagal na ito ginagawa.

Nakita sa warehouse ang mga van na hinihinalang ginagamit sa pagpuslit ng mga troso upang hindi makita ang kontrabando sa mga checkpoint.

Tinitingnan din sa imbestigasyon ang posibilidad na may kasabwat ang mga suspek sa mga checkpoint.

Nahaharap ang pamunuan ng kompanya sa patong-patong na kaso kabilang ang paglabag sa Forestry Code.

Wala pang pahayag ang Herbs and Nature Corporation kaugnay nito.

-- Ulat ni Niko Baua, ABS-CBN News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT