BMPM: Pagyanig sa ilang bahagi ng Luzon dulot ng lindol | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

News

BMPM: Pagyanig sa ilang bahagi ng Luzon dulot ng lindol

BMPM: Pagyanig sa ilang bahagi ng Luzon dulot ng lindol

ABS-CBN News

Clipboard

http://sa.kapamilya.com/absnews/abscbnnews/media/2021/tvpatrol/09/27/lindol-(2).jpg

MAYNILA — Ilang Bayan Patrollers ang nagbahagi ng kanilang karanasan sa pagyanig ng 5.7-magnitude na lindol na may epicenter sa Looc, Occidental Mindoro.

Watch more in iWantv or TFC.tv

Video mula kay John Anthony Braza.

Sa CCTV, makikita si Bayan Patroller John Anthony Braza na lumabas ng kwarto at napatigil nang maramdaman ang pagyanig pasado 1:00 ng madaling-araw sa Taguig.

Kuwento ni Braza, hindi pa siya natutulog at nakikinig pa siya ng music nang maramdaman niya ang pag-uga dahil sa lindol.

Aniya, agad siyang lumabas ng kwarto, nagdasal, at umakyat sa rooftop ng kanilang bahay para suriin kung may pinsala.

ADVERTISEMENT

Wala namang pinsala sa kanilang bahay o nasaktan sa kanilang pamilya, dagdag pa niya.

Watch more in iWantv or TFC.tv

Video mula kay Rose Patiño.

Kinabahan naman si Bayan Patroller Rose Patiño ng Malagasang 2B, Imus City, Cavite nang maramdaman ang malakas na lindol.

Sa kuhang video ni Patiño, makikita ang paggalaw ng chandelier sa kanilang bahay na aniya'y ramdam maski ang paggalaw ng lupa.

Wala namang nasaktan sa kanyang pamilya at wala ring naging pinsala sa kanilang ari-arian, dagdag pa niya.

ILANG MGA TIPS KAPAG MAY LINDOL:

Watch more in iWantv or TFC.tv

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.