Motorcycle rider patay matapos mahulog sa tulay sa Pasig

ABS-CBN News

Posted at Sep 27 2019 05:35 AM

Kuha ni MJ Gaon

MAYNILA—Patay ang isang motorcycle rider matapos bumangga at mahulog sa tulay sa Barangay Bambang, Pasig City Miyerkoles ng umaga.

Dead on the spot ang biktimang kinilalang si Francis Mabutot, 61 anyos.

Sa kuha ng closed-circuit television (CCTV) camera, sumalpok sa barrier ng San Joaquin Bridge ang biktima at tumilapon mula sa tulay.

Karaniwan ang aksidente sa tulay dahil pakurbada ito, ani Bambang barangay chairman JR Samson.

Nakapagtala ang barangay ng 20 aksidente sa lugar mula 2018, kung saan 3 ay nahulog din sa tulay.

Pinalagyan na ng ilaw, signs, at rumble strips ang kahabaan ng tulay.—Ulat ni Anjo Bagaoisan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.