Courtesy: PCSO
MAYNILA - Panalo ang isang mananaya sa lotto ng P36 milyon matapos tamaan ang winning combination sa Grand Lotto draw nitong Lunes ng gabi.
Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office, binili ang winning ticket sa San Antonio, Nueva Ecija.
Ang winning combination ay 30-17-06-12-04-29, at ang kabuuang jackpot prize ay P36,025,867.40.
Meron ding 69 na mananaya na nakakuha ng 2nd prize na P100,000.
Wala namang nanalo sa P43.8 milyon jackpot prize ng Megalotto 6/45.
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.