Mga pasaherong nakatayo sa loob ng pampublikong sasakyan, pinayagan na ulit | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Mga pasaherong nakatayo sa loob ng pampublikong sasakyan, pinayagan na ulit

Mga pasaherong nakatayo sa loob ng pampublikong sasakyan, pinayagan na ulit

ABS-CBN News

Clipboard

MANILA — Pinapayagan na ulit ang mga nakatayong pasahero sa mga pampublikong sasakyang bumibiyahe sa mga lugar sa ilalim ng Alert Level 1, sabi ngayong Lunes ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

Ayon sa memorandum na ipinalabas ng ahensiya, tanging mga public utility bus (PUB) at Class 2 na modern public utility jeepney (MPUJ) lang ang papayagang magkaroon ng nakatayong pasahero, alinsunod sa mga sumusunod na kondisyon:

  • Low-Entry/Low Floor PUB: Nasa 15 ang maximum na standing passenger ang papayagan, one-person apart ang pagitan
  • Coach-type PUB: Nasa 10 ang maximum na standing passenger ang papayagan, one-person apart ang pagitan
  • MPUJ Class 2: Nasa 5 ang maximum na standing passenger ang papayagan, one-person apart ang pagitan

Ayon sa LTFRB, ang bagong polisiya ay alinsunod sa utos ng Department of Transportation para magamit nang husto ang mga espasyo sa mga pampublikong sasakyan nang hindi labag sa public health safety protocols.

Nagpaalala naman ang LTFRB sa mga driver at operator na laging sundin ang mga polisiya at alituntunin ng ahensya.

ADVERTISEMENT

Ang pagbabawal sa mga nakatayong pasahero ay kabilang sa mga restriction na ipinatupad sa mga pampublikong sasakyan noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic.

KAUGNAY NA ULAT:

Watch more News on iWantTFC

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.