Higit 3,000 pamilya lumikas sa Marikina dahil sa Bagyong Karding | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Higit 3,000 pamilya lumikas sa Marikina dahil sa Bagyong Karding

ABS-CBN News
Published Sep 26, 2022 05:12 AM PHT

MAYNILA - Umabot sa ikatlong alarma ang lebel ng tubig sa Marikina River dahil sa pag-ulan bunsod ng Bagyong Karding.

Dahil dito, marami ang mga inilikas na residente sa Marikina City. Sa tala ng City Disaster Risk Reduction and Management Office, nasa 3,193 na pamilya o 12,726 na indibidwal ang lumikas dahil sa banta ng pagbabaha.

Sa Barangay Nangka, marami ang mga residente na pansamantalang pumunta sa evacuation sa Nangka Elementary School.

Hindi nagkasya ang mga ito kaya inilipat ang ilan sa Saint Mary Elementary School at sa Parang Elementary School.

ADVERTISEMENT
Ayon kay Nangka Barangay Chaiarman Randy Leal, dahil may banta pa ng COVID-19, sinunod nila na apat hanggang limang pamilya lang sa isang silid-aralan kaya kinulang ng classrooms ng Nangka Elementary School.

Marami umano ang natakot na mga residente ng makita ang mabilis na pagtaas ng tubig sa Marikina River kaya kahit mag-aalas 12 na ng madaling araw marami pa rin ang mga pumupunta sa evacuation center.

Sa Barangay Malanday naman, napasugod ang rescue team ng Naval Task Force 83 para magresponde sa ilang residente na hindi makalabas ng bahay dahil sa taas ng baha.

May ilang residente din na sa gilid kalsada na lang nagpa-umaga.

Ayon sa ilang residente, marami ang natakot lalo't ngayong Lunes din ang ika-13 taon nang pananalasa ng Bagyong Ondoy, kung saan marami ang namatay sa Marikina.

Ayon sa CDRRMO Marikina, ano mang oras posibleng pabalikin na sa kanilang mga bahay ang mga evacuee lalo na kung bumaba na ang lebel ng tubig sa Marikina River. - Ulat ni Jose Carretero, ABS-CBN News