PatrolPH

Suspek patay, P13 milyong halaga ng shabu kumpiskado sa Sulu drug bust

ABS-CBN News

Posted at Sep 26 2021 03:18 PM

Ebidensiyang nakumpiska ng mga awtoridad sa buy-bust operation sa Parang, Sulu noong Setyembre 24, 2021. Retrato mula sa Philippine Drug Enforcement Agency Bangsamoro
Ebidensiyang nakumpiska ng mga awtoridad sa buy-bust operation sa Parang, Sulu noong Setyembre 24, 2021. Retrato mula sa Philippine Drug Enforcement Agency Bangsamoro

Aabot sa P13 milyong halaga ng shabu ang nakumpiska ng mga awtoridad sa buy-bust operation sa Parang, Sulu, kung saan napatay ang 1 sa 7 suspek.

Ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Bangsamoro, ikinasa nila ang operasyon noong umaga ng Biyernes.

Sinubukan umano ng mga suspek na tumakas gamit ang mga motorized na bangka pero nahuli rin agad ang mga ito.

Isa sa mga suspek ang nakipagpalitan ng putok sa mga awtoridad, dahilan ng pagkamatay nito.

Ang operasyon noong Biyernes ay kasunod ng isinagawang operasyon ng regional na PDEA sa Sulu noong Setyembre 21, kung saan naaresto ang 2 suspek at nasamsam ang 2 kilo ng shabu.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga suspek.

— Ulat ni Chrislen Bulosan

RELATED VIDEO

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.