Magka-angkas sa motor na nagtangkang tumakas matapos makabangga, nakunan ng bidyo | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Magka-angkas sa motor na nagtangkang tumakas matapos makabangga, nakunan ng bidyo

ABS-CBN News
Published Sep 26, 2021 11:08 PM PHT

Nakuhanan ng bidyo ang magka-angkas sa motorsiklo na pinilit tumakas matapos makabangga ng isang SUV sa boundary ng Tagum City at Carmen sa Davao del Norte Sabado ng hapon.

Pero tila hirap silang makaalis lulan ng motorsiklo, na napansin ng may-ari ng SUV na si Dassel Dela Gracia, dahil sa umano sobrang kalasingan ng dalawa.

Makikitang natumba pa ang angkas nito nang bigong makakapit ng mahigpit sa driver.

Kuwento ni Dassel, bigla na lamang binangga ang likurang bahagi ng kanilang SUV. Katuwiran umano ng driver, nawala raw ang preno ng motorsiklo niya at hindi raw sila lasing.

"Hindi raw sila lasing habang nagma-maneho, pero tingnan niyo ang video, kayo na lamang ang humusga. Hindi namin naiintindihan kung ano ang aming mararamdaman sa kanila, magalit o maawa sa nahulog na pasahero," ani Dassel sa kanyang post sa social media.

Hindi na sinumbong ng kampo ni Dassel sa pulisya ang pangyayari dahil matatagalan pa raw ang pagpapa-blotter at baka hindi kakayanin ng motorcycle rider ang gastusin ng pinsala.

Paalala na lamang niya sa mga motorista na huwag magmaneho ng lasing para iwas-disgrasya.

- ulat ni Hernel Tocmo
Courtesy of Dassel Dela Gracia
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT