Security official ni Duterte, natagpuang patay sa Malacañang | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Security official ni Duterte, natagpuang patay sa Malacañang

Security official ni Duterte, natagpuang patay sa Malacañang

ABS-CBN News

Clipboard

Isa sa mga opisyal ng Presidential Security Group (PSG) ang natagpuang patay sa loob ng kanilang quarters sa Malacañang Park nitong Martes.

May tama ng bala sa dibdib si Major Harim Gonzaga, 37, nang makita ng kanyang asawa na wala nang buhay sa loob ng kanilang pinagsasamahang kwarto bandang 8:50 ng umaga.

Parte rin ng PSG ang asawa ng biktima.

Sa pahayag ng PSG, sinabi nitong pag-aari ni Gonzaga ang baril na ginamit, at wala umanong senyales ng panlalaban sa loob ng quarters.

ADVERTISEMENT

Nakikiramay din umano sila at nagpaalalang iwasan ang haka-haka ukol sa pagkamatay ng kanilang opisyal.

Patuloy naman ang imbestigasyon sa pangyayari.

Ang PSG ang itinakdang magbigay seguridad sa Pangulo at sa kanyang pamilya.

Ayon sa hepe ng PSG na si Lope Dagoy, maaaring nasa Bahay Pagbabago ang Pangulong Rodrigo Duterte nang maganap ang insidente sa 'di nalalayong PSG compound.

Pero malayo aniya ang Pangulo sa pinanggalingan ng putok.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.