Huwes na may anak sa ibang babae sinibak ng Korte Suprema | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Huwes na may anak sa ibang babae sinibak ng Korte Suprema

Huwes na may anak sa ibang babae sinibak ng Korte Suprema

Johnson Manabat,

ABS-CBN News

Clipboard

MANILA- Sinibak sa serbisyo ng Korte Suprema si Presiding Judge Exequil Dagala ng Municipal Circuit Trial Court ng Surigao Del Norte dahil sa isyu ng immorality at gross misconduct.

Ito ay matapos makunan ng video si Dagala na may bitbit na M-16 armalite rifle at nadiskubreng may anak sa ibang babae.

Sa 21-pahinang desisyon ng Korte Suprema na may petsang Hulyo 25, 2017, hinatulang guilty ng Kataas-taasang Hukuman si Dagala sa kasong immorality at gross misconduct.

Pinagbabawalan na rin si Dagala na humawak ng anomang puwesto sa gobyerno.

Iniutos na rin ng Korte ang pagbawi sa mga benepisyo nito sa pagreretiro at iba pang benepisyo ni Dagala maliban sa kanyang leave credits.

ADVERTISEMENT

Nag-ugat ang kaso laban kay Dagala sa isang anonymous letter-complaint na inihain sa Office of Ombudsman noong 2015 mula sa isang residente ng San Isidro, Siargao Island sa Surigao Del Norte.

Sinasabing nasaksihan ng naturang residente ang pakikipag-away ni Judge Dagala sa kaniyang mga kapitbahay patungkol sa lupaing pag-aari ng kaniyang kapitbahay.

Pinagsisigawan at ininsulto umano ni Judge Dagala ang kaniyang mga kapitbahay habang may dala itong M-16 armalite rifle.

Si Dagala ay kabilang din sa mga hukom na nauna nang pinangalanan ni Pangulong Rodrigo Duterte na umano'y dawit sa iligal na droga.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.