4 patay sa diarrhea outbreak sa Palawan | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
4 patay sa diarrhea outbreak sa Palawan
4 patay sa diarrhea outbreak sa Palawan
Arlie Cabrestante,
ABS-CBN News
Published Sep 26, 2017 09:00 AM PHT

PALAWAN - Apat ang kumpirmadong patay sa Quezon, Palawan, matapos tamaan ng diarrhea at ma-dehydrate.

Ayon sa Provincial Health Office (PHO), isa rito ay babae at tatlong lalaki.

Sa imbestigasyon ng PHO, Hulyo ngayong taon nang makapagtala ng kaso ng diarrhea sa bayan ng Quezon, pero kalagitnaan ng Agosto nang biglang tumaas ang bilang kung kaya't nagdeklara ng diarrhea outbreak sa bayan.

Apat ang pinaka-apektadong barangay--kasama ang Alfonso Trese, Pinaglabanan, Tabon at Panitian--kung saan nakapagtala ang Rural Health Unit ng 672 na kaso, 379 dito ang kasama sa outbreak.

ADVERTISEMENT
Sa sample ng tubig na kanilang nakuha, lumalabas na coliform ang sanhi ng labis na pagdudumi at pagsusuka ng mga residente.

Agad naman na namigay ng mga gamot ang PHO sa bayan habang pinayuhan din ang mga residente na agad pumunta sa ospital kapag makaranas ng tatlong beses na pagtatae.

Siguraduhin din na laging malinis ang tubig na iniinom, maghugas ng kamay kapag maghahanda ng pagkain at itapon ng maayos ang pinaglinisan sa mga alagang hayop.

Tiniyak naman ng PHO na kontrolado na ang sitwasyon sa Quezon.

Nagpadala naman ng samples ang Department of Health sa Research Institute for Tropical Medicine para matukoy kung ano nga ba ang totoong sanhi ng outbreak sa bayan. Inaasahan naman na ngayon linggo ay ilalabas ang resulta.