Mga nakagat ng aso't pusa sa Ilocos Norte, higit 2,000 na ngayong taon | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Mga nakagat ng aso't pusa sa Ilocos Norte, higit 2,000 na ngayong taon

Mga nakagat ng aso't pusa sa Ilocos Norte, higit 2,000 na ngayong taon

ABS-CBN News

Clipboard

ILOCOS NORTE - Umabot na sa higit 2,000 ang kaso ng mga nakagat ng aso't pusa sa Ilocos Norte ngayong taon, base sa tala ng Provincial Health Office simula Enero hanggang Hunyo.

Sa animal bite treatment center ng Governor Roque Ablan Sr. Memorial Hospital, hindi bababa sa 10 pasyente ang nagpapabakuna rito bawat araw.

Ayon kay Dr. Victor Bolusan, animal bite physician sa nasabing ospital, karamihan sa kanilang mga pasyente ay mga bata.

"Sa mga magulang, dapat bantayan niyo 'yung mga anak niyo kasi kawawa sila kapat nakagat," aniya.

ADVERTISEMENT

Kabilang sa mga biktima ay ang isang 1-anyos na bata sa Barangay Tambidao sa bayan ng Bacarra.

Nagtamo ng mga sugat sa mukha ang bata matapos kagatin at kalmutin ng kanilang aso.

Kuwento ng nanay ng biktima, narinig na lang niyang umiiyak ang anak habang siya ay naglilinis.

Nang tingnan kung ano ang nangyari, duguan na ang mukha nito habang katabi ang alagang aso.

Hinala nila, pinaglaruan ng bata ang aso dahil may hawak itong stick.

Agad nilang itinakbo ang bata sa ospital at pinabakunahan ng anti-rabies.

Paalala ni Bolusan, huwag pabayaan kung makagat o makalmot ng alagang hayop.

Dapat hugasan ng sabon at running water ang sugat at pumunta agad sa hospital para magpabakuna.

Dagdag niya, kailangan din na maging responsableng pet owner.

Huwag pabayaang pagala-gala ang mga alagang hayop at dapat pabakunahan ang mga ito laban sa rabies. - ulat ni Grace Alba, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.