Dating pulis, anak, pinagbabaril sa labas ng sabungan sa Bataan | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Dating pulis, anak, pinagbabaril sa labas ng sabungan sa Bataan

ABS-CBN News
Published Sep 25, 2017 09:35 PM PHT

Patay sa pamamaril ang isang dating pulis at ang kaniyang anak sa labas ng isang sabungan sa Barangay Balon-Anito sa Mariveles, Bataan nitong Linggo, Setyembre 24.

Tinukoy ang mga biktima bilang sina Napoleon Cauyan, 58 anyos, at ang kaniyang 21 anyos na anak na si Napoleon Christopher Cauyan.

Kabababa pa lamang ng mga biktima sa sasakyan nang biglang pagbabarilin ng mga hindi pa nakikilalang salarin.

Parehong may tama ng bala sa ulo ang mga biktima.
Parehong may tama ng bala sa ulo ang mga biktima.
ADVERTISEMENT
Batay sa panayam ng pulisya sa pamilya ng biktima, dating colonel ng highway patrol group ang amang si Napoleon.

Dati ring nakaligtas ang ama mula sa ambush sa Quezon City noong Marso 2010.

Kasalukuyang nangangalap ng impormasyon ang mga awtoridad upang matukoy ang motibo ng krimen.

-- Ulat ni Trisha Mostoles, ABS-CBN News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT