Magat dam nagpakawala ng tubig bilang paghahanda sa Karding | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Magat dam nagpakawala ng tubig bilang paghahanda sa Karding

Magat dam nagpakawala ng tubig bilang paghahanda sa Karding

ABS-CBN News

 | 

Updated Sep 24, 2022 04:08 PM PHT

Clipboard

Eksaktong alas-12 ng tanghali binuksan ng Magat Dam ang isa nitong radial gate para simulan ang pagpapalabas ng tubig mula sa reservoir nito.

Nasa 200 cubic meter per second o katumbas ng 1,000 drums ng tubig ang kasalukuyang inilalabas.

Ayon kay Engr. Gileu Michael Dimoloy, ang pagpapakawala ng tubig ay isang precautionary measure bilang paghahanda sa epekto ng matinding tropical storm Karding.

Paliwanag ni Dimoloy, ang mga watershed area ng Magat Dam ay nasa forecasted track ng bagyo, kaya inaasahan nila ang malakas na pag-ulan. Ang elevation ng dam ay kailangan na ngayong ilagay sa isang ligtas na antas kung saan maaari itong tumanggap ng tubig na magmumula sa mga watershed area.

ADVERTISEMENT

Alas-12 ng tanghali, ang elevation ng dam ay nasa 187 meters above sea level, 3 metro lang bago ito umabot sa spilling level na 190 meters above sea level.

Nilinaw ni Dimoloy na minimal lang ang inilalabas na tubig kaya hindi ito magdudulot ng pagbaha sa ngayon.

Pero posible itong madagdagan depende sa mararanasang pag-ulan.

Kaya pinaalalahanan niya ang mga residente lalo na ang mga nakatira malapit sa Magat River sa Ramon, San Mateo, Aurora, Cabatuan, Luna, Reina Mercedes, Burgos, Naguilian at Gamu na maging mapagbantay sa anumang posibleng epekto.

Kahapon, sinuspinde na rin ng NIA-MARIIS ang pagpapalabas ng tubig sa mga irigasyon bilang paghahanda sa posibleng pag-ulan

— Ulat ni Harris Julio

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.