Patay sa mga Benguet landslide, lumobo sa 75 | ABS-CBN

Featured:
|

ADVERTISEMENT

Featured:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Patay sa mga Benguet landslide, lumobo sa 75

Patay sa mga Benguet landslide, lumobo sa 75

ABS-CBN News

 | 

Updated Feb 17, 2020 12:38 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Lumobo na sa 75 ang kumpirmadong patay habang 35 pa ang nawawala sa mga landslide sa Benguet dahil sa bagyong Ompong. Binalaan naman ang mga residente sa panibagong bagyong nakaamba.

Sa mga ito, 70 ay mula sa bayan ng Itogon, Benguet, ayon kay Benguet police provincial director Superintendent Lyndon Mencio.

Limampu't isa rito ay mga bangkay na nakuha nitong Lunes sa Barangay Ucab, Itogon, kung saan may 17 katao pa ang nawawala.

Ayon kay search rescue and retrieval cluster head Brigade General Leopoldo Imbang Jr., 200 metro pang lawak ng putik ang kailangang tanggalin para mahanap ang iba pang nawawalang residente.

ADVERTISEMENT

Binisita naman ng mga lokal na opisyal ng Itogon at mga pulis ang mga residente para bigyang-babala ang mga ito sa paparating na bagyong Paeng.

Iniutos na rin ni Itogon Mayor Victor Palangdan ang preemptive evacuation sa lugar lalo’t idineklarang danger zone ang Barangay Ucab.

-- May ulat ni Dennis Datu, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.