Survey: Karamihan ay pabor sa war on drugs

ABS-CBN News

Posted at Sep 23 2018 09:16 PM | Updated as of Sep 24 2018 12:05 PM

Watch more in iWantTFC

Pabor pa rin ang karamihan sa mga Pinoy sa kampanya ng pamahalaan laban sa ilegal na droga, ayon sa isang survey. 

Sa survey ng Social Weather Stations na isinagawa noong Hunyo, may net satisfaction rating na +65 ang kampanya ng pamahalaan laban sa droga kung saan 78 porsiyento sa 1,200 na na-survey ang nagsasabing satisfied sila sa kampanya, 13 porsiyento naman ang hindi nasisiyahan, at 19 porsiyento ang nagsabing hindi tiyak kung nasisiyahan sila o hindi sa kampanya. 

Bahagyang mas mataas ito sa +64 net satisfaction rating na naitala noong Marso 2018. 

Para sa Malacañang, patunay ito na suportado ng publiko ang kampanya kontra droga sa kabila ng batikos laban dito. 

 “This is a testament that the drug war continues to enjoy the broad support of our people, notwithstanding the efforts of the detractors and critics of the administration to politicize the issue or discredit the campaign’s success,” sabi ng Palasyo sa isang pahayag na inilabas nitong Linggo. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.