Kontribusyon ng namayapang Dinky Soliman, kinilala ng mga senador | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Kontribusyon ng namayapang Dinky Soliman, kinilala ng mga senador

Kontribusyon ng namayapang Dinky Soliman, kinilala ng mga senador

ABS-CBN News

Clipboard

MAYNILA— In-adopt ng Senado nitong Miyerkoles ang resolusyon na kumikilala sa mga kontribusyon ng yumaong dating Social Welfare Secretary Dinky Soliman.

Hinain nina Senate Minority Leader Franklin Drilon, Sen. Leila de Lima, Sen. Francis Pangilinan at Sen. Risa Hontiveros ang Senate Resolution No. 913 na nagbibigay pugay sa mga nagawa ni Soliman noong siya ay Secretary ng Department of Social Welfare and Development.

Ani Drilon, si Soliman ay "kampeon ng demokrasya, social justice at social work."

“Dinky, as we called her, will always be remembered in the far-flung barangays and communities. She was the one who launched the Kapit-Bisig Laban sa Kahirapan-Comprehensive and Integrated Delivery of Social Services (KALAHI-CIDDS), a poverty alleviation program which empowered barangays and communities," aniya.

ADVERTISEMENT

Matatandaan si Soliman sa kanyang mga programa kabilang ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).

May integridad si Soliman at hindi kapit tuko sa posisyon, ani Drilon.

Si Soliman ay isa sa tinaguriang Hyatt 10, o mga miyembro ng gabinete ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo na nagbitiw sa pwesto matapos masangkot ang dating presidente sa umano’y dayaan noong 2004 presidential elections.

Nagsilbi din bilang DSWD Secretary si Soliman sa ilalim ng administrasiyon ni dating pangulong Benigno "Noynoy" Aquino III matapos ang termino ni Arroyo.

“Dinky’s passionate and steadfast love to serve the poorest and most marginalized of Filipinos and improve their quality of life should serve as a benchmark for aspiring public servants," ani Drilon.

Pumanaw si Soliman nitong Linggo sa edad na 68.

Huling nakita sa publiko si Soliman noong burol ni Aquino noong Hunyo.

— Ulat ni Robert Mano, ABS-CBN News

KAUGNAY NA ULAT

Watch more in iWantv or TFC.tv

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.