Dating DSWD Secretary Dinky Soliman pumanaw na | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Dating DSWD Secretary Dinky Soliman pumanaw na

ABS-CBN News
Published Sep 19, 2021 01:47 PM PHT
|
Updated Sep 19, 2021 07:13 PM PHT

MAYNILA — Pumanaw na si dating Social Welfare and Development Secretary Corazon "Dinky" Soliman ngayong Linggo sa edad na 68, sabi ni Vice President Leni Robredo.

Inanunsiyo ni Robredo ang pagkamatay ni Soliman sa kaniyang radio program.

"May napakalungkot na balita tayo natanggap ngayon lang na si former [Department of Social Welfare and Development] Dinky Soliman, namayapa na ngayong umaga," ani Robredo.

Hindi binanggit ni Robredo ang sanhi ng pagkamatay.
Hindi binanggit ni Robredo ang sanhi ng pagkamatay.
ADVERTISEMENT
Sa isang opinion piece sa Rappler ng kaniyang mister na si Hector Soliman noong Setyembre 5, sinabi niyang may mga sakit ang dating Kalihim at tinamaan din ito ng COVID-19 nitong Agosto.

Inilarawan ni Robredo si Soliman bilang isang "napakabuting tao" na inilaan ang buong buhay nito sa "sa paninilbihan sa mga mahihirap."

Ibinahagi rin ng bise presidente kung paano siya dinamayan ni Soliman nang pumanaw ang kaniyang mister, si dating Interior Secretary Jesse Robredo.

"Noong namatay 'yong asawa ko, hindi kami magkakilala pero siya 'yong pumunta sa Naga para samahan kami ng mga bata habang hinahanap pa 'yong katawan ng asawa ko," kuwento ni Robredo.

Nagsilbi si Soliman sa ilalim ng mga administrayson nina dating pangulong Benigno "Noynoy" Aquino III at Gloria Macapagal Arroyo.

Nagbitiw si Soliman sa puwesto noong panahon ni Arroyo kasunod ng "Hello, Garci" scandal.

Huling nakita sa publiko si Soliman noong burol ni dating pangulong Noynoy Aquino noong Hunyo.

Kabilang sa mga naging kontribusyon ng dating kalihim ang pagpapalawig sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) at rehabilitation efforts tuwing may kalamidad.

— May ulat nina Gillan Ropero at Jasmin Romero, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPH
Tagalog news
obituary
Corazon Soliman
Dinky Soliman
Department of Social Welfare and Development
Leni Robredo
obit
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT