DOH gustong lagyan ng price cap ang COVID-19 swab tests | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

DOH gustong lagyan ng price cap ang COVID-19 swab tests

DOH gustong lagyan ng price cap ang COVID-19 swab tests

ABS-CBN News

 | 

Updated Sep 21, 2020 09:16 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Gustong lagyan ng price cap ng Department of Health ang presyo ng swab tests para sa coronavirus disease (COVID-19) sa bansa.

Sa ngayon, naglalaro sa higit P3,000 hanggang halos P10,000 ang halaga para makapag-swab test, na itinuturing na "gold standard" para matukoy kung may COVID-19 ang isang tao.

"Nakapag-submit na kami sa Office of the President ng recommendation for an executive order issuance," ani Health spokesperson Maria Rosario Vergeire.

"Nakita natin 'yong malaking difference between laboratories as to how much the swab testing costs," aniya.

ADVERTISEMENT

Ayon kay Vergeire, maglulunsad sila ng market survey para makita ang price range ng swab test, at sasangguni rin sa mga eskperto at Department of Trade and Industry sa pagtatakada ng presyo.

Samantala, tuloy naman ang pilot study para sa antigen testing sa Baguio City kahit hindi ito inirerekomenda ng World Health Organization (WHO) para sa border screening dahil hindi ito kasinghusay ng PCR o swab testing.

"Bagaman nagbigay ang WHO ng mga ganitong rekomendasyon... Maari nating subukan at tignan kung puwedeng gamitin and we still would have accurate results at magagamit sa response," ani Vergeire.

Ipapakita sa COVID-19 Inter-Agency Task Force kung paano isasali ang antigen testing sa screening procedure ng Baguio, ayon kay Vergeire.

Pagdating naman sa bakuna, tuloy pa rin umano ang negosasyon sa Russia.

"Isa sa hinihingi natin sa kanila 'yong clinical trial protocol. Hanggang ngayon kasi hinihintay pa ng ating vaccine experts panel para maumpisahan nila ang pag-aaral ng clinical trial na gagawin dito for the Sputnik V vaccine," ani Vergeire.

Nangako rin umano ang Food and Drug Administration ng Pilipinas na pabibilisin ang proseso ng pag-apruba sa mga bakuna.

Bukod pa rito ang paghahanda ng gobyerno sa paglalagakan ng mga bakuna dahil kailangang may i-maintain na temperatura sa storage nito.

Sinabi rin ng DOH na naayos na ang problema sa mga laboratoryo na hindi kumpleto magsumite ng detalye ng mga pasyente kaya naaapektuhan ang bilang ng mga COVID-19 case sa bansa.

"Itong ating mga laboratory submissions, nakita natin in the past days, talagang naka-cope na. And we are able to receive most of these backlogs from the laboratories already," ani Vergeire.

Ngayong Lunes, umabot na sa 290,190 ang bilang ng COVID-19 cases sa Pilipinas matapos makapagtala ang DOH ng 3,475 bagong kaso.

Nakapagtala rin ang DOH ng 400 bagong gumaling sa sakit kaya umakyat sa 230,233 ang total recoveries.

Nadagdagan naman ng 15 ang binawian ng buhay dahil sa sakit kaya umakyat sa 4,999 ang total deaths.

-- Ulat ni Kristine Sabillo, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.