Bangkay ng batang nahulog sa ilog sa Bataan, natagpuan na | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Bangkay ng batang nahulog sa ilog sa Bataan, natagpuan na

Gracie Rutao,
ABS-CBN News
Published Sep 21, 2019 03:44 AM PHT

(Editor's Note: May mga tinatalakay na karumal-dumal na krimen at hindi pambatang paksa ang artikulong ito. Mahalaga ang wastong paggabay sa mga wala pa sa tamang edad o disposisyon para magbasa o umintindi ng ganitong mga bagay.)
Natagpuan na ang bangkay ng 5-anyos na batang babae na nahulog nitong Martes sa isang tulay sa lungsod ng Balanga sa Bataan.

Mga alas-8 ng umaga natagpuan ang bangkay ni Mean Oraña Canta sa Barangay San Jose. Inaagnas na ito dahil 2 araw na itong palutang-lutang sa ilog.

Sa inisyal na ulat, sinasabing galing ang biktima kasama ang kapatid sa paglalaro sa bagong bukas na mall sa tabi ng isang malaking river channel nang habulin at tangkaing hulihin ang isang ibon na nakadapo malapit sa tulay.

Nadulas ang bata at tuluyang nahulog sa ilog. Malakas ang agos ng tubig sa ilog dahil sa matinding pag-ulan dulot ng habagat at tinangay ang bata.

May ilang tumulong na masagip ang bata pero bigong makuha ito dahil sa lakas ng agos ng tubig sa ilog.

— Ulat ni Grace Rutao, ABS-CBN News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT