6 kahon ng mga botelya ng liquid marijuana mula Romania nakumpiska sa NAIA | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
6 kahon ng mga botelya ng liquid marijuana mula Romania nakumpiska sa NAIA

ABS-CBN News
Published Sep 21, 2019 03:01 PM PHT

MAYNILA — Nasamsam ng Bureau of Customs sa Ninoy Aquino International Airport kamakailan ang 6 kahon na naglalaman ng mga bote ng liquid marijuana na ipinadala pa mula sa bansang Romania.

Idineklarang "Ulei Cannabidiol Full Plant Extract" ang shipment na ipadadala sana sa consignee na taga-San Pablo City, Laguna.

Sa physical examination ng mga awtoridad, lumabas na naglalaman ang package ng mga botelya ng ipinagbabawal na liquid marijuana.

Nakumpirma sa chemistry report ng Philippine Drug Enforcement Agency na may substance na tetrahydrocannabinol sa mga botelya.

Inaalam pa ang halaga ng mga nakumpiskang liquid marijuana.

Agad na ring sinampahan ng kaso ang consignee ng package dahil sa importation ng ipinagbabawal na gamot.

—Ulat ni Michael Joe Delizo, ABS-CBN News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT