Death toll sa landslide sa Naga City, Cebu, tumaas pa | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Death toll sa landslide sa Naga City, Cebu, tumaas pa

Death toll sa landslide sa Naga City, Cebu, tumaas pa

ABS-CBN News

 | 

Updated Sep 21, 2018 11:31 AM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

NAGA CITY, Cebu – Umabot na sa 22 ang kumpirmadong namatay sa pagguho ng lupa sa mga barangay ng Tinaan at Naalad sa lungsod na ito, ayon sa Naga City Police.

May 15 mga bangkay ng mga residente ang pansamantalang nakalagak ngayon sa gym ng lungsod.

Ilan sa kanilang mga pamilya ang nagpasyang mamalagi na rin sa gym para bantayan ang mga bangkay ng mga kaanak.

Ang iba naman ay doon na nalaman ang kinahinatnan ng kanilang mga pamilya.

ADVERTISEMENT

Watch more in iWantv or TFC.tv

Higit sa 70 pa rin ang kasalukuyang nawawala habang nasa 700 naman ang mga residenteng nailikas mula sa tatlong barangay, kasama na ang Mainit.

Pinakamaraming evacuees ang nasa activity center sa likod lamang ng City Hall ng Naga City.

Dumami ang evacuees matapos na magsagawa ang awtoridad ng forced evacuation sa mga residente sa mga lugar na kritikal pa ang kalagayan matapos ang landslide.

Patuloy na nagsasagawa ng rescue and retrieval operation sa lugar. May ulat nina Joworski Alipon at Leleth Rumaguera, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

ABS-CBN is the leading media and entertainment company in the Philippines, offering quality content across TV, radio, digital, and film. Committed to public service and promoting Filipino values, ABS-CBN continues to inspire and connect audiences worldwide.