Alyansang OneBatangas, binuo nina Rep. Vilma Santos, Sen. Recto | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Alyansang OneBatangas, binuo nina Rep. Vilma Santos, Sen. Recto

Alyansang OneBatangas, binuo nina Rep. Vilma Santos, Sen. Recto

Val Balita,

ABS-CBN News

Clipboard

LIPA CITY - Binuo ng mag-asawang Lipa City Rep. Vilma Santos-Recto at Senator Ralph Recto ang OneBatangas, isang alyansa ng mga lokal na opisyal sa lalawigan.

Nitong Biyernes, sabay-sabay na nanumpa ang mga kasalukuyang opisyal at ilang mga may planong tumakbo sa halalan sa 2019 bilang mga miyembro ng bagong buong alyansa.

Layon umano nitong mas pagtibayin ang pagkakaisa sa pagitan ng mga lokal na pamahalaan sa iba't ibang bayan at lungsod sa probinsiya.

Bukod dito, nanumpa rin sila bilang mga miyembro ng Nacionalista Party, sa harap ng isa sa mga kasalukuyang haligi ng partido, si Senator Cynthia Villar.

ADVERTISEMENT

"We expect a lot, hindi lang pulitiko. OneBatangas is not just a political party, it's a movement as well. So we welcome the millennial generation, all of you are welcome to join OneBatangas," ani Recto.

Bukas pa rin umano ang OneBatangas na suportahan ang mga kandidato sa pagkasenador mula sa ibang partido, pero paglilinaw ng senador, tanging sa Nacionalista Party lamang direktang makikipag-alyansa ang OneBatangas.

"Ilan lang ang kandidato ng Nacionalista Party, if I'm not mistaken, there are only three. So pag-uusapan namin sa OneBatangas kung sino-sino pa ang puwedeng tulungan sa pagka-senador, regardless of party affiliation," ani Recto.

Nangangahulugan rin itong nilisan na ng mga Recto ang Liberal Party at bumalik sa Nacionalista.

Noong 1992, unang tumakbo bilang kinatawan ng ikaapat na distrito ng Batangas si Recto sa ilalim ng Nacionalista Party.

"We have longer historical ties with the Nacionalista Party to begin with. 'Yung Nacionalista Party, mga heroes of Batangas, kasama na 'yung mamay ko," paliwanag ng senador.

"Kinausap naman namin ang Liberal, we're still friends, alam naman nila. Kaya lang kasi, ang pinakaimportante at this point in time is solid Batangas, 'yung OneBatangas," dagdag naman ni Rep. Santos-Recto.

Nakikita rin ng mga bumuo ng OneBatangas na magiging tulay ang alyansa para mas magkatulungan ang mga bayan at lungsod pagdating sa pagpapaunlad ng lokal na ekonomiya.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.