Tsismoso't tsismosa, sapul sa isinusulong na ordinansa | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Tsismoso't tsismosa, sapul sa isinusulong na ordinansa

ABS-CBN News
Published Sep 21, 2017 07:13 PM PHT

#HeadlinePilipinas Isinusulong ngayon sa Bayambang, Pangasinan ang isang ordinansang magbabawal sa pagpapakalat ng tsismis. pic.twitter.com/uuryIffyZP
— DZMM TeleRadyo (@DZMMTeleRadyo) September 21, 2017

Isinusulong ngayon sa Bayambang, Pangasinan ang ordinansa laban sa mga mahilig magkalat ng tsismis.

Dumaan na sa pagdinig ng Sangguniang Bayan (SB) ang ititutulak na ordinansang magbabawal sa mga empleyado ng munisipyo na magpakalat ng tsismis.

Ayon sa isang SB officer, marami nang nasirang pagkakaibigan, pamilya, at reputasyon dahil sa mga kuwentong walang katotohanan.

Kaya napapanahon nang magkaroon ng ordinansa kontra tsismis.

ADVERTISEMENT
Sakaling tuluyan nang maaprubahan ang ordinansa, may karampatang parusa sa mga lalabag dito.

Warning pa lang ang matatanggap sa unang paglabag.

Sa ikalawang paglabag, maaaring masuspende ang kawani ng munisipyo sa loob ng isang buwan.

Kapag lumabag muli sa ikatlong pagkakataon, hanggang anim na buwan nang puwedeng masuspende.

Maaari namang tuluyang matanggal sa trabaho kapag lumabag sa nasabing ordinansa sa ikaapat na pagkakataon.

Pasado na sa una at huling pagdinig ang panukalang ordinansa pero tatalakayin pa muli ng mga kinauukulan ang lahat ng nilalaman nito bago tuluyang aprubahan at ipatupad.

-- Ulat ni Edward Quinto, ABS-CBN News
Read More:
DZMM
Headline Pilipinas
Bayambang
Pangasinan
tsismis
ordinansa
anti-tsismis
ordinance
kakaiba
rehiyon
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT