Bata patay, 33 na-ospital dahil sa hinihinalang red tide toxin | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Bata patay, 33 na-ospital dahil sa hinihinalang red tide toxin

Bata patay, 33 na-ospital dahil sa hinihinalang red tide toxin

ABS-CBN News

Clipboard

Patay ang anim na taong gulang na bata sa Catbalogan, Samar dahil sa hinihinalang red tide toxin mula sa kinaing shellfish.

Ayon sa magulang ni Froilan Basal, tahong ang inulam nila noong nakaraang gabi pero nakaramdam na sila ng panghihina at pamamanhid kinaumagahan.

Agad naman silang nagtungo sa ospital pero hindi na nailigtas ang bata.

Naka-confine din sa Samar Provincial Hospital ang taga-Zumarraga, Samar na si Lebrando Comeque.

ADVERTISEMENT

Dinala siya ospital noong Lunes matapos makaramdam ng mga sintomas ng "paralytic shellfish poisoning" na karaniwang dulot ng red tide toxin.

Kuwento niya, hindi niya alam na may red tide kaya kumain siya ng tahong.

Nagtungo rin sa ospital ang 32 pa niyang mga kabaryo pero nakauwi din sila dahil hindi malala ang sintomas nila.

Ayon sa surveillance nurse ng Samar Provincial Hospital, nakaramdam ng pamamanhid sa may bibig, pagsusuka, at pananakit ng tiyan ang mga pasyente.

Base naman sa shellfish bulletin na inilabas ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources, nanatiling positibo sa red tide ang ilang bay sa Samar kabilang na ang Daram Waters, Irong-Irong Bay sa Catbalogan, Maqueda, at Villareal Bays.

Ayon kay Daniel Daguman, city agriculturist ng Catbalogan, nag-abiso na sila na pinagbabawal muna ang pagkain ng mga shellfish.

Dagdag pa ni Daguman, may ilang residente talagang hindi sumusunod sa kanilang babala.

Muli rin silang nag-abiso sa mga nagtitinda sa mga palengke na ipinagbabawal pa rin ang pagbebenta ng mga shellfish habang may red tide pa sa kanilang lugar.

Nitong Hulyo lamang, namatay din ang 27 anyos na lalaki matapos makakain ng tahong na apektado ng red tide mula sa Taytay, Palawan.

-- Ulat ni Melanie Bingco, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

ABS-CBN is the leading media and entertainment company in the Philippines, offering quality content across TV, radio, digital, and film. Committed to public service and promoting Filipino values, ABS-CBN continues to inspire and connect audiences worldwide.

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.