Lalaki, patay sa tahong na may red tide | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Lalaki, patay sa tahong na may red tide
Lalaki, patay sa tahong na may red tide
ABS-CBN News
Published Aug 09, 2017 11:09 PM PHT

Namatay ang 27 anyos na lalaki nitong Hulyo matapos makakain ng tahong na apektado ng red tide mula sa Taytay, Palawan, ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).

Ayon kay Sandra Arcamo, hepe ng BFAR Fisheries Resource Management Division, nadala pa sa hospital ang lalaki bago tuluyang namatay.

"Dinala pa sa rural hospital. Pero siguro 'yung namatay maraming nakain," ani Arcamo.

Red tide alert, itinaas ng BFAR sa 7 lugar
Samantala, itinaas ng BFAR ang red tide alert sa pitong lugar na nagpositibo sa paralytic shellfish poison.

ADVERTISEMENT
Nakataas ang red tide alert sa sumusunod na lugar:
- Irong-Irong Bay, Western Samar;
- Inner Malampaya Sound, Taytay, Palawan;
- Puerto Princesa Bay, Puerto Princesa City, Palawan;
- coastal waters of Mandaon, Masbate;
- coastal waters of Placer, Masbate;
- Siit Bay, Siaton, Negros Oriental;
- Balite Bay, Mati, Davao Oriental.

Nagbabala ang BFAR laban sa pagkuha, pagbenta, at pagkain ng mga shellfish sa mga lugar na may red tide dahil posible itong makalason at makamatay.

"Dapat lahat ng shellfish, alamang, na gathered do’n sa area na sinabing may red tide, 'wag kainin kasi hindi siya safe. Ang sinasabi nating paralytic shellfish poison, ‘yun ang pinakamalala sa lahat ng marine by-toxins kasi nga may namamatay diyan,” ani Arcamo.

Nilinaw naman na puwede pa ring kainin ang isda, pusit at talangka mula sa mga red tide positive areas ngunit kailangan itong linisin nang mabuti at tanggalan ng lamang loob.

Ayon sa BFAR, karaniwang nagkakaroon ng red tide kapag matagal ang tag-init na sinundan ng malakas na pag-ulan.

Payo nila sakaling makakain ng may red tide toxin, pasukahin ang nalason at dalhin sa ospital.

Siguruhin din anila na hindi galing sa red tide positive na lugar ang bibilhing shellfish at alamang bago bumili. --Ulat ni Carolyn Bonquin, ABS-CBN News