LTFRB magbubukas pa ng mga ruta sa mga susunod na buwan | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

LTFRB magbubukas pa ng mga ruta sa mga susunod na buwan

LTFRB magbubukas pa ng mga ruta sa mga susunod na buwan

ABS-CBN News

 | 

Updated Sep 20, 2022 08:40 PM PHT

Clipboard

Jeepney terminal sa Quiapo, Maynila noong Hulyo 14, 2022. Jonathan Cellona, ABS-CBN News/File
Jeepney terminal sa Quiapo, Maynila noong Hulyo 14, 2022. Jonathan Cellona, ABS-CBN News/File

Inamin ngayong Martes ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na hindi sapat ang higit 100 ruta binuksan nila noong balik-eskuwela kaya inaasahang dadagdagan pa nila ito sa mga susunod na buwan.

Sa katunayan, ngayong linggo'y plano ng LTFRB an magbukas pa ng higit 50 ruta sa Metro Manila.

"Kasi 'yong unang inilabas namin, 'yong more than 100 routes, it's just to address 'yong pag-open ng classes [noong August 22]," ani LTFRB Chairperson Cheloy Garafil.

"Noong tinitingnan namin, kasi continuous naman 'yong pag-aaral namin sa mga ruta, marami pang displaced. Marami pang PUV (public utility vehicle) operators at driver na hindi nakakapasada," dagdag ni Garafil.

ADVERTISEMENT

Watch more News on iWantTFC

Para sa jeepney driver na si Graciano Robenta Jr., hindi lang taas-pasahe ang solusyon sa kanilang mga problema sa hanapbuhay, lalo't wala sila halos maisakay dahil sa paputol-putol na ruta.

Ramdam ng mga pasahero sa rutang Antipolo-Cubao ang putol-putol na ruta, na anila'y nagiging sanhi ng dagdag-gastos dahil napapadami pa sila ng sinasakyan.

"Sasakay ng jeep tapos tricycle. Mahirap maghanap tapos 'yong ibang tricycle overprice ang sinisingil sa'min," anang commuter na si Maria Bernadette Bonifacio.

"Minsan nagkukulang ang baon dahil sa taas ng singil," aniya.

Sa susunod na buwan, inaasahang magiging epektibo ang taas-singil sa pasahe ng halos lahat ng pampublikong transportasyon.

— Ulat ni Jacque Manabat, ABS-CBN News

RELATED VIDEO

Watch more News on iWantTFC

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.