PatrolPH

Doktora sa Abra na dating kumandidatong alkalde patay sa pamamaril

ABS-CBN News

Posted at Sep 20 2021 04:30 PM

Nag-aayos ng mga reseta ang biktima kasama ang kaniyang mister sa kanilang garahe nang pagbabarilin ito ng salarin na nakasakay sa motorsiklo. Retrato mula sa PNP-Abra 
Nag-aayos ng mga reseta ang biktima kasama ang kaniyang mister sa kanilang garahe nang pagbabarilin ito ng salarin na nakasakay sa motorsiklo. Retrato mula sa PNP-Abra 

PILAR, Abra — Pinagbabaril ng hindi pa nakikilalang salarin ang 53-anyos na babaeng doktor sa kanyang bahay sa Bgy. Poblacion sa bayan na ito noong Sabado ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Dra. Amor Trina Dait. 

Ayon sa pulisya, nag-aayos lang ng mga reseta ang biktima kasama ang kaniyang mister sa kanilang garahe nang pagbabarilin ito ng salarin na nakasakay sa motorsiklo.

Isinugod sa ospital ang biktima pero nasawi habang ito ay ginagamot. Ligtas naman ang kanyang mister. 

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa pagkakakilanlan ng gunman at kung ano ang motibo sa krimen.

Kumandidato sa pagka-alkalde sa nasabing bayan noong 2019 ang biktima.


—Ulat ni Grace Alba 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.