#WalangPasok: Setyembre 21, Biyernes | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
#WalangPasok: Setyembre 21, Biyernes
#WalangPasok: Setyembre 21, Biyernes
ABS-CBN News
Published Sep 20, 2018 03:48 PM PHT
|
Updated Sep 20, 2018 11:15 PM PHT

#WalangPasok dahil kay Ompong
Suspendido pa rin ang klase sa lahat ng antas sa mga bayan ng Itogon at Kabayan sa Benguet, at Calumpit sa Bulacan nitong darating na Biyernes dahil sa pinsalang dulot ng bagyong Ompong.

Aabot na sa 88 ang naitalang nasawi sa magkakahiwalay na pagguho ng lupa buhat ng nagdaang bagyo sa bayan ng Itogon.

#WalangPasok dahil sa mga protesta
Wala namang pasok sa lahat ng antas ng paaralan sa lungsod ng Maynila dahil sa posibleng malawakang protesta kasabay ng paggunita sa Batas Militar, ayon kay Manila Mayor Joseph Estrada.

Ayon sa impormasyong natanggap ng lokal na pulisya, magaganap ang mga protesta kasabay ng paggunita ng ika-46 na taon mula nang isailalim ni dating Pangulong Ferdinand Marcos ang buong bansa sa batas militar.

#WalangPasok dahil sa landslide
Sinuspinde ng lokal na pamahalaan ng Naga City, Cebu ang klase sa lahat ng antas dahil sa nangyaring landslide nitong Huwebes na ikinasawi ng hindi bababa sa 10 katao, habang nasa 60 katao pa rin ang nawawala.

- kasama ang ulat ni Johnson Manabat, ABS-CBN News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT