Di bababa sa 10 patay sa Cebu landslide | ABS-CBN

Featured:
|

ADVERTISEMENT

Featured:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Di bababa sa 10 patay sa Cebu landslide

Di bababa sa 10 patay sa Cebu landslide

ABS-CBN News

 | 

Updated Sep 20, 2018 08:03 PM PHT

Clipboard

Ilang bahay ang natabunan matapos gumuho ang bahagi ng isang bundok sa Naga, Cebu. Kuha ng ABS-CBN News

MAYNILA (UPDATED) -- Hindi pa man tapos ang paghuhukay para sa mga nabaon sa landslide o pagguho ng lupa sa Cordillera, isa na namang insidente ng landslide ang naiulat.

Hindi bababa sa 10 ang nasawi matapos mabaon ang nasa 20 bahay sa pagguho ng bahagi ng isang bundok sa lungsod ng Naga, Cebu nitong Huwebes, ayon sa lokal na disaster office.

Watch more in iWantv or TFC.tv

Sa huling tala, nasa 11 ang kumpirmadong patay habang nasa 60 ang nawawala.

Nangyari ang landslide sa Sitio Sindulan, Barangay Tinaan nitong umaga ng Huwebes kasunod ng mga malalakas na pag-ulan, ayon kay Julius Regner, public information officer ng disaster office.

ADVERTISEMENT

Isinailalim naman sa state of calamity ang limang barangay na nakapalibot sa bundok, kabilang ang Tinaan, Cabungahan, Naalad, Mainit at Pangdan, ayon kay Iris Algabre, communications officer ni Naga City Mayor Kristine Chiong.

Malapit ang mga nabaong bahay sa isang quarry site o lugar kung saan nagsasagawa ng paghuhukay sa lupa, ayon kay Tinaan barangay chairman Teodoro Cantal Jr.

Dagdag pa ni Cantal, dalawang linggo ang nakalipas nang abisuhan niya ang mga residente na lumikas dahl sa mga bitak na nakita sa lupa.

Nilinaw naman ni Mayor Chiong na naglabas na siya ng cease and desist order para ipatigil ang operasyon ng quarry site.

Ayon naman kay Chito Maniago, kinatawan ng Apo Land and Quarry Corporation, may mining rights sila sa lugar na pinangyarihan ng pagguho pero hindi pa umano sila nagsisimula sa pagmimina.

ADVERTISEMENT

Nasa 300 pamilya naman ang lumikas sa evacuation center matapos ang insidente.

Watch more in iWantv or TFC.tv

Nangako ang provincial government ng Cebu na magbibigay ng ayuda sa mga lumikas.

Iniimbestigahan na rin ng Mines and Geosciences Bureau ang pinangyarihan ng pagguho na dati na raw natukoy na landslide-prone area.

Kasabay nito, patuloy naman ang pagsagip sa mga nabaon ng gumuhong lupa sa bayan ng Itogon, Benguet bunsod ng mga pag-ulang dala ng bagyong Ompong.

Ang bagyong Ompong sa ngayon ang itinuturing na pinakamalakas na bagyong dumaan sa bansa nitong taon.

--May ulat nina Annie Perez at Leleth Rumaguera, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.