Bumaba na ang mga kaso ng COVID-19 sa Cebu City, sabi ngayong Linggo ni Acting Mayor Michael Rama.
Ayon kay Rama, mula sa surge na daan-daang kaso, 96 na lang ang kaso sa lungsod.
Downward trend na aniya ang nakikita sa Cebu City.
Sabi niya, dati na ring nagpapatupad ang lungsod ng mga granular lockdown.
Pagdating naman sa bakunahan, umabot na sa 600,000 ang nabakunahan mula sa target na 700,000.
Pero ayon kay Rama, plano pang taasan ang target na mabakunahan.
Sisimulan na rin umano ang pagbabakuna sa gabi para mas marami ang mahikayat na maturukan.
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
PatrolPH, Tagalog news, rehiyon, regions, regional news, Covid-19, Teleradyo, coronavirus