Mga pulis at militante, nagkagirian sa protesta sa DOJ | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Mga pulis at militante, nagkagirian sa protesta sa DOJ

Mga pulis at militante, nagkagirian sa protesta sa DOJ

Johnson Manabat,

ABS-CBN News

Clipboard

Daan-daang militante mula sa iba't ibang magkakaalyadong grupo ang sumugod sa tanggapan ng Department of Justice (DOJ) sa Padre Faura sa Maynila para ipanawagan sa pamahalaan ang pagpapalaya sa tinagurian nilang mga political prisoner sa bansa.

Mariin din nilang kinokondena ang kaliwa't kanang patayan sa bansa.

Mula sa kanto ng Taft Avenue, nagmartsa ang grupo na kinabibilangan ng Sandugo, Karapatan, at iba pang kaalyadong grupo mula pa sa Mindanao.

Pagdating sa tapat ng Centennial Building ng Supreme Court, pinagtulungan ng mga militante na buwagin ang iniharang na barikada ng mga pulis.

ADVERTISEMENT

Nagkagirian ang mga militante at ilang pulis na nakapuwesto sa kanilang barikada kaya nagawang makalapit ng mga ito sa mismong harap ng gate ng DOJ.

Ayon kay Superintendent Emerey Abating ng Manila Police District Station 5, tinatayang aabot sa 200 hanggang 300 ang mga militanteng sumugod sa Padre Faura. Patuloy silang nagpoprograma sa harap ng DOJ.

Bukod sa mga dala-dalang placards at banderitas, may ipinuwesto ring motorsiklo ang mga ito sa harap ng gate ng DOJ.

Pinasakay dito ang 2 lalaki na sinuotan ng maskara na mistulang riding-in-tandem.

Nakasuot ang mga ito ng maskara na may mukha nina Pangulong Rodrigo Duterte at Armed Forces of the Philippines Chief-of-staff Eduardo Año.

Panawagan din ng grupo sa pamahalaan na itigil na ang militarisasyon sa mga komunidad sa mga probinsya at igitil na ang martial law.

Samantala, nakapuwesto na rin ang mga anti-riot police para hindi na makaabante pa ang ibang miyembro ng mga militante.

Naghigpit na rin ng seguridad ang mga security personnel ng DOJ at sarado ang gate nito at hindi basta-bastang nagpapapasok lalo kung walang malinaw na transaksyon sa DOJ.

Kamakaila'y inanunsiyo ni Pangulong Duterte ang Setyembre 21, ang ika-45 na anibersaryo ng deklarasyon ng batas militar sa bansa, bilang "day of protest."

Hinikayat n'ya ang lahat ng gustong magprotesta laban sa gobyerno na gawin ito sa naturang araw.Klinaro ni Presidential spokesperson Ernesto Abella na suspendido ang klase sa pampublikong paaralan kabilang na ang state colleges and universities (SUC) at walang pasok sa mga tanggapan ng gobyerno ngayong Huwebes.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.