Lalaki, binaril sa harap ng pamilya sa GenSan | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Lalaki, binaril sa harap ng pamilya sa GenSan

Jay Dayupay,
ABS-CBN News
Published Sep 19, 2017 12:07 PM PHT

GENERAL SANTOS CITY – Patay ang isang 41-anyos na lalaki matapos siyang barilin sa harap ng kanyang pamilya, Martes ng umaga.

Binaril ng hindi pa nakikilalang salarin ang biktima na si Francisco Saligumba pasado alas-8 ng umaga sa Purok 16, Promiseland, Barangay Mabuhay.

Sakay ng tricycle ang biktima, kasama ang kanyang asawa at anak, kapatid at dalawang iba pa nang maganap ang pamamaril.

Ayon sa tricycle driver na si Jomar Torres, pababa na ang kanyang mga pasahero para magbenta ng plasticware sa mga bahay-bahay nang biglang dumating ang isang lalaking nakamotor.

"Pagkababa ng victim, bigla na lang may dumating na nakamotor tapos binaril na lang siya bigla nang wala man lang pasabi,” sabi ni Torres.

Agad tumakas ang salarin at hindi ito nakilala dahil walang plaka ang sinakyan nitong motorsiklo at nakasuot siya ng helmet.

Hindi pa makapagbigay ng pahayag ang mag-ina ng biktima na nananatiling gulat sa pangyayari.

Pahayag naman ng kapatid nitong si Cristopher Saligumba, wala silang alama na posibleng maging motibo sa pagpaslang sa biktima.

"Wala kasi yang sinasabi sa amin kung may nakaaway siya o may nakagalit,” sabi ni Saligumba.

Patuloy namang iniimbestigahan ng awtoridad ang insidente.

Si Saligumba ang sinasabing ika-58 na biktima ng pamamaril sa General Santos ngayong taon. Ayon sa General Santos City Police Office, higit 40 pa ang mga insidente ng pamamaril na hindi pa rin nareresolba.