Pulis na pabiro umanong inilabas ang armas nabaril ang kaibigan; biktima patay | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Pulis na pabiro umanong inilabas ang armas nabaril ang kaibigan; biktima patay

Pulis na pabiro umanong inilabas ang armas nabaril ang kaibigan; biktima patay

ABS-CBN News

 | 

Updated Sep 18, 2021 07:20 PM PHT

Clipboard

MAYNILA (UPDATE) —Patay ang isang delivery rider sa lungsod na ito matapos umanong aksidenteng mabaril ng kaibigan niyang pulis sa Barangay Hall sa distrito ng Tondo noong Biyernes.

Kinilala ang biktima na si Jayson Capistrano.

Sumuko naman ang 31 anyos na pulis na residente ng Tondo.

Ayon sa inisyal na ulat ng Manila Police District, magkasama umanong pumunta ang suspek kasama ang isa pang pulis sa barangay hall ng Barangay 183 para bisitahin ang chairman na si Joseph Lipasana.

ADVERTISEMENT

Pabiro umanong inilabas ng suspek — “jokingly”, ayon sa police report — ang kaniyang baril at aksidente umano itong pumutok, dahilan para matamaan ng bala ang biktima.

“It was(sic) accidentally went off hitting the victim,” saad ng report.

Agad na isinugod ng pinsan ng biktima si Capistrano sa Chinese General Hospital, kung saan siya namatay bandang alas-12:52 ng madaling araw ng Setyembre 17.

Ayon kay Manila Police District Spokesperson Capt. Philipp Ines, nasa kustodiya na ng homicide section ng MPD headquarters ang suspek, na nakatalaga sa Raxabago Police Station.

Isinuko rin ng suspek ang kaniyang service firearm sa Gagalangin PCP.

Tinanggal na rin ang pulis sa kaniyang posisyon habang gumugulong ang imbestigasyon. Mahaharap sa kasong homicide ang suspek.

Samantala, iniatas na ni PNP chief Gen. Guillermo Eleazar ang pagkakaroon ng regular na refresher sa gun safety at marksmanship para sa mga armadong tauhan.

"Nararapat lamang na tiyakin natin na ang konsepto ng responsible gun ownership ay nasa puso at isip ng ating mga pulis at kabilang dito ang sapat na kasanayan sa paggamit nito para maiwasan ang mga aksidente," ani Eleazar sa isang video.

— May ulat nina Lady Vicencio at Anjo Bagaoisan, ABS-CBN News

KAUGNAY NA BALITA:

Watch more in iWantv or TFC.tv

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

ABS-CBN is the leading media and entertainment company in the Philippines, offering quality content across TV, radio, digital, and film. Committed to public service and promoting Filipino values, ABS-CBN continues to inspire and connect audiences worldwide.