Babaeng natutulog sa ilalim ng tulay, na-trap sa rumaragasang ilog | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Babaeng natutulog sa ilalim ng tulay, na-trap sa rumaragasang ilog

Babaeng natutulog sa ilalim ng tulay, na-trap sa rumaragasang ilog

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more News on iWantTFC
Courtesy: Rexan Sabroso


Nailigtas ng mga residente ang isang babaeng natutulog sa ilalim ng tulay at inabutan ng pagragasa ng Lipadas River sa Toril, Davao City matapos ang malakas na ulan, Sabado ng hapon.

Nailigtas ang babae matapos nitong itali ang sarili sa lubid at hilahin ng mga residente. Sinuong ng babae ang malakas na agos ng tubig hanggang sa nakatawid ito sa gilid ng ilog.

Umabot sa Code Red ang Lipadas River dahil sa taas ng tubig kahapon.

Nagpatupad ng preemptive evacuation ang mga rescuers sa mga nakatira sa gilid ng ilog, pero pinauwi rin nang bumuti ang lagay ng panahon.

Nakaranas ng malakas na pag-ulan ang Davao City kahapon dahil sa localized thunderstorms.



- ulat ni Hernel Tocmo

Watch more News on iWantTFC
Watch more News on iWantTFC

Watch more News on iWantTFC

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.