Anumang ulat ng iregularidad sa plebesito, iimbestigahan ng Comelec | ABS-CBN

Featured:
|

ADVERTISEMENT

Featured:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Anumang ulat ng iregularidad sa plebesito, iimbestigahan ng Comelec

Anumang ulat ng iregularidad sa plebesito, iimbestigahan ng Comelec

Anjo Bagaoisan,

ABS-CBN News

Clipboard

Tiniyak ng Commission on Elections na iimbestigahan ang anumang ulat ng iregularidad sa botohan sa plebesito sa Maguindanao. Pero sa kabuuan, naging tahimik ito at walang aberya ayon sa poll body.

Patapos na ang botohan sa 36 na presinto sa Maguindanao ng alas-3 ng hapon matapos ang 8 oras.

Pero sinabi ng Comelec na sinumang nasa loob ng 30-meter radius ng presinto ay pabobotohin pa.

Walang naiulat na malaking aberya o pagkaantala sa botohan ayon sa Comelec at pulisya.

ADVERTISEMENT

Pero nakapagtala ng ilang obserbasyon ang mga independent monitoring group.

Sinabi ng civil society group na IM4PEACE, iniulat ng kanilang volunteer na nagkaroon ng multiple voting sa paaralan sa Barangay Nuling sa bayan ng Sultan Kudarat.

Ayon sa co-coordinator ng grupo na si Goldy Omelio, lumilipat sa ibang kuwarto para bumoto ulit ang isang botanteng nakaboto na.

Nakapagtala naman ang grupong LENTE ng mga botante na hindi nahanap ang kanilang mga pangalan sa voters’ list.

Sinabi ni Comelec chair George Garcia na patuloy na nililinis ng ahensya ang tala ng mga botante at kayang matiyak kung doble ang pagkarehistro sa ibang lugar.

ADVERTISEMENT

Pumunta si Garcia sa Centro Cuatro Elementary School sa bayan ng Datu Abdullah Sangki para obserbahan ang botohan doon.

"Kung mayroon ganyang report, kasama ‘yan sa aming titingnan, paiimbestigahan. But so far po wala naman kaming nalalamang ganun. Sana ma-verify mabuti at sana hindi siya fake news," ani Garcia.

Sa ngayon, nagtitipon na ang provincial board of canvassers dito sa kapitolyo sa Buluan para sa provincial canvassing.

Sa pagtataya ng Comelec posibleng dumating ang unang mga election returns ngayong gabi.

Tiniyak ni Garcia na walang dapat ipangamba ang mga residente sa iregularidad kung ihinto ang sesyon ngayong gabi dahil patuloy pa ring sasalubungin ang mga election returns kahit madaling araw.

ADVERTISEMENT

Sabi rin ng poll body, pwede pa ring bantayan at samahan ng mga mamamayan ang pagdala ng election returns.

IBA PANG ULAT

Watch more News on iWantTFC

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.