Sawa na may habang 12 talampakan, natagpuan sa puno sa Pasay | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Sawa na may habang 12 talampakan, natagpuan sa puno sa Pasay

Sawa na may habang 12 talampakan, natagpuan sa puno sa Pasay

Anjo Bagaoisan,

ABS-CBN News

 | 

Updated Sep 17, 2020 08:18 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

MAYNILA (UPDATE) - Nabulabog ang ilang taga-Malibay, Pasay City matapos sumulpot ang isang 12-talampakang sawa sa puno ng aratiles sa tabi ng creek sa Brgy. 152 Miyerkules ng gabi.

Kuwento ng residenteng si Reynaldo Flisco, natutulog siya sa labas ng bahay malapit sa puno nang magising siya dahil sa paggalaw ng mga dahon nito pasado alas-9 ng gabi.

Napabangon siya para itawag ang kapitbahay nang makita ang malaking ahas, at sunod na rumesponde ang mga taga-barangay.

"Nabigla po ako, napatayo agad ako. Eh ang laki po ng ahas. Kasinlaki ng braso ng tao," ani Flisco.

ADVERTISEMENT

Gumamit ng panungkit ang isang driver ng barangay para ibaba ang sawa na mahigpit ang pagkalingkis sa sanga.

Isinara ang bibig nito gamit ang tape at inilagay muna sa sako, bago ibinigay sa mga awtoridad.

Ayon sa punong-barangay na si Miriam Timajo, posibleng nagmula ang sawa sa katabing estero ng Tripa De Gallina, lalo't nangangamoy ang hayop.

"Halatang gutom po ang ahas kaya lumabas sa kanyang lungga. Wala naman kaming lalagyan eh napakadelikado, baka makawala po," sabi ni Timajo.

Itu-turn over sana agad ng barangay ang sawa sa Department of Natural Resources (DENR) pero kinaumagahan na kinuha ito.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like youā€™re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.