MMDA: Car ban sa EDSA tuwing rush hour maraming komplikasyon | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

MMDA: Car ban sa EDSA tuwing rush hour maraming komplikasyon

MMDA: Car ban sa EDSA tuwing rush hour maraming komplikasyon

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Maraming komplikasyon sa suhestiyon ng isang mambabatas na ipagbawal ang mga pribadong sasakyan na dumaan sa EDSA tuwing rush hour para maibsan ang mabigat na daloy ng trapiko, sabi ng isang opisyal ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

"'Pag 'yan ay napatupad natin, ili-lift din natin ang coding, lahat ng bus," ani MMDA General Manager Jojo Garcia.

Kinuwestiyon rin ni Garcia kung kakayanin bang magsilbing alternatibong ruta ng mga side street kapag ipinagbawal ang mga pribadong sasakyan sa EDSA.

"Talagang malaking challenge sa atin diyan, saan mo ilalagay 'yong more than 300,000 private [cars]. Kakasya ba sa alternate routes o side streets?" ani Garcia.

ADVERTISEMENT

Iminungkahi ni Garcia na payagan pa rin ang mga pribadong sasakyan sa EDSA tuwing rush hour basta may mga kasakay ang driver.

Nasa 300,000 pribadong sasakyan ang dumadaan kada araw sa EDSA kasabay ng 10,000 bus, ayon sa datos ng MMDA.

Nasa 170,000 sasakyan lang ang kapasidad ng EDSA kada araw, ayon sa MMDA.

Sa kaniyang panukala, nais ipagbawal ni Caloocan Rep. Edgar Erice ang pagdaan ng mga pribadong sasakyan sa EDSA mula alas-6 hanggang alas-9 ng umaga at alas-6 hanggang alas-9 ng gabi.

Epektibo lang umano ito hanggang sa matapos ang rehabilitasyon ng MRT-3, pagtatayo ng METRO Manila subway, at konstruksiyon ng North Luzon Expressway-South Luzon Expressway (NLEX-SLEX) connector.

Duda rin si Samar 1st District Rep. Edgar Sarmiento kung kakayanin ng mga side street ang dami ng mga pribadong motoristang hindi padadaanin sa EDSA.

Iminungkahi ni Sarmiento, ang chairperson ng House committee on transportation, na ayusin muna ang dispatch system ng mga bus para makasabay ang mga bus sa oras ng biyahe ng mga tao.

Pinag-aaralan pa ng mga Transportation official ang panukala. -- Ulat ni Jorge Cariño, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.