Sugatan sa pagsabog sa GenSan, umakyat na sa 8 | ABS-CBN
ADVERTISEMENT
![dpo-dps-seal](https://od2-image-api.abs-cbn.com/prod/Seal_Image_OD.png)
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Sugatan sa pagsabog sa GenSan, umakyat na sa 8

Yen Mangompit,
ABS-CBN News
Published Sep 17, 2018 12:16 AM PHT
![Clipboard](https://od2-image-api.abs-cbn.com/prod/ClipboardNews.png)
GENERAL SANTOS CITY -- Umakyat na sa 8 katao ang bilang ng nasugatan sa pagsabog sa General Santos City Linggo ng hapon.

Ayon kay Chief Supt. Eliseo Rasco, direktor ng Soccsksargen region police, isang improvised explosive device ang sumabog sa tapat ng isang lying-in clinic o paanakan sa Barangay Apopong.

Magbubuo ng special investigation task group ang pulisya para siyang tututok sa insidente, dagdag ni Rasco.

Kuwento ng isang empleyado ng klinika, bago ang pagsabog, nakita niyang nag-iwan ng bag sa harapan ng klinika ang 2 lalaking lulan ng motorsiklo.

Nagtanong pa raw sa kanilang klinika ang isa sa mga lalaki kung saan maaaring bumili ng baboy sa lugar.

Sa kuha ng isang cellphone video, makikita ang mga biktima na duguan matapos matamaan ng mga shrapnel ng IED.

Tinulungan sila ng ilang residente at agad isinakay sa isang van para ihatid sa pinakamalapit na ospital.

Kinondena naman ng Malacañang ang insidente.

"We condemn in the strongest possible terms today's explosion that hit General Santos City which left scores of people injured. This comes at an unfortunate time when the nation is reeling from the effects of Ompong," ani presidential spokesperson Harry Roque.