Ilang bahay sa Iloilo, nasira sa pagbayo ni Ompong

ABS-CBN News

Posted at Sep 17 2018 12:23 AM

Contributed photo

ILOILO -- Nasira ang 14 na bahay sa Iloilo sa pagbayo ng malakas na hangin at ulan dala ng Bagyong Ompong.

Nasa 10 bahay ang nasira sa mga coastal barangays sa bayan ng Tigbauan.

Contributed photo

Sa bayan naman ng San Joaquin, nasira ang 4 na bahay matapos hampasin ng malakas na alon.

Pansamantalang naninirahan ang mga apektadong pamilya sa barangay hall at mga kalapit nilang kamag-anak. -- ulat ni Cherry Palma, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.