Ospital sa Cavite, puno ng COVID-19 patients, may waiting list pa | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Ospital sa Cavite, puno ng COVID-19 patients, may waiting list pa

Michael Delizo,
ABS-CBN News
Published Sep 16, 2021 02:20 PM PHT
|
Updated Sep 16, 2021 07:57 PM PHT

(UPDATE) Nananatiling puno ang Binakayan Hospital and Medical Center (BHMC) sa Kawit, Cavite dahil sa dami ng mga COVID-19 patient na naka-admit.

Ayon kay Dr. Eric De Leon, pinuno ng emergency room (ER) ng ospital, hindi bumababa sa 60 tao ang nasa waiting list para sa bakanteng kama sa ospital.

Pero kadalasang nababakante lang aniya ang ospital kapag binabawian ng buhay ang pasyente.

"Sad to say, it’s either maganda kung gumaling ‘yung pasyente kaya nakauwi, nagkakabakante. Usually, nagkakabakante dahil sa mortality. ‘Yun ang sad truth about it," ani De Leon.

Ayon sa opisyal ng ospital, dumating na sa punto nitong nagdaang Linggo na isinara ang ER dahil sa kakulangan ng tauhan matapos magkasakit.

"More than 100 percent na ang admission namin. Overflow na ang mga tini-treat namin ngayon on what is expected from the hospital," ani De Leon.

Pinalawig na ng ospital ang COVID-19 ward at may naka-setup na ring extension ng ER sa labas ng ospital dahil sa bugso ng mga pasyente.

Hindi na rin pinapayagan sa BHMC ang paghihintay ng pasyete sa labas ng ospital.

"Mabigat sa loob ng isang health worker na makita na hindi natulungan ‘yong pasyente dahil nasa labas... ‘yong emotional turmoil na malalaman nila na ‘yong naghihintay sa labas ay minsan nag-expire na," ani De Leon.

Marami umano sa mga dinadala sa ospital ay malalala na ang kondisyon at may iba pang miyembro ng pamilya ang nahawa.

Punuan pa rin ang mga ospital sa bansa sa harap ng patuloy na pagtaas ng mga kaso ng COVID-19.

Sa kabila nito, hinimok ng Department of Health (DOH) ang mga ospital na itaas pa ang kapasidad.

"Ang amin pong paulit-ulit na hinihikayat, inuudyok ang mga ospital at lokal na pamahalaan na maglaan ng sapat na COVID-19 beds, ICUs (intensive care units) at mechanical ventilators upang magkaroon ng sapat na kapasidad para sa ating moderate, severe at critical cases," ani Health Secretary Francisco Duque III.

Noong Miyerkoles, nakapagtala ang Pilipinas ng 16,989 bagong kaso ng COVID-19 para sa kabuuang higit 2.2 milyon, kung saan 170,446 ang active cases o may sakit pa rin.

RELATED VIDEO
Read More:
PatrolPH
Tagalog news
rehiyon
regions
regional news
Kawit
Cavite
health care
Philippine hospitals
Covid-19
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT