Traditional Philippine weaving, ipinakilala sa Portugal | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Traditional Philippine weaving, ipinakilala sa Portugal

Traditional Philippine weaving, ipinakilala sa Portugal

Jerome Fadriquela | TFC News

Clipboard

LISBON - Pormal na ipinakilala sa Portugal ang tradisyunal na paraan ng paghahabi ng mga Pilipino.

Sa isang event na pinamagatang Colher, Enlaçar, Tintar: A Cestaria em Odivelas(Harvesting, Lacing, Dyeing: The Basketry in Odivelas) na ginanap noong September 4, 2021 sa Odivelas, isa sa mga parokya sa ilalim ng Munisipalidad ng Ferreiro do Alentejo.

Mga banig at iba pang woven products
Ipinakita ni Philippine Ambassador to Portugal Celia Anna Feria sa grupo ng mga Portuges ang pagkakahawig ng weaving traditions ng Pilipinas at Portugal. Nagdala si Feria ng iba’t ibang handwoven products mula sa mga banig at mga native basket na may makukulay na disenyo.

Karaniwang mga kababaihan sa Pilipinas ang gumagawa ng mga produktong ito at malaki ang naitutulong sa kanilang kabuhayan. Nabigyan din ng pagkakataon na masubukan ni Feria ang weaving techniques ng Portuguese artisan na si Donha Hermínia Gonçalves.

Tradisyunal na paghahabi sa Potugal

Bumilib si Mayor Luís António Pita Ameixa ng Ferreira do Alentejo maging ang iba pang mga opisyal ng kanilang munisipyo sa kulay at disenyo ng handwoven products mula sa Pilipinas.

ADVERTISEMENT

Nais ng Philippine Embassy at mga opisyal ng Ferreira do Alentejo na buhayin ang kasunduan para mag-develop, mag-preserba at ma-protektahan ang weaving traditions ng Pilipinas at Portugal.

Para sa mga nagbabagang balita tungkol sa ating mga kababayan sa Portugal, tumutok sa TFC News sa TV Patrol.

Source: DFA website

Read More:

TFC News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.