Higit 753,000 pang doses ng Pfizer-BioNTech vaccine dumating sa bansa | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Higit 753,000 pang doses ng Pfizer-BioNTech vaccine dumating sa bansa

Higit 753,000 pang doses ng Pfizer-BioNTech vaccine dumating sa bansa

ABS-CBN News

Clipboard

MAYNILA - Dumating sa Pilipinas ang higit pang 753,000 doses ng Pfizer-BioNTech vaccine ngayong Miyerkoles.

Higit 51,000 doses ang mapupunta sa Cebu, at gayundin sa Davao. Ang natitira ay mapupunta sa mga lugar sa Luzon.

Ayon kay Dr. Ted Herbosa ng NTF on COVID-19, ia-allocate ang mga ito sa mga rehiyon sa labas ng NCR. Mapupunta ang iba sa Region 3 at 4.

Kapag ang LGU umano ay kulang na sa pang limang araw ang supply na bakuna, magpapadala ulit sila ng bagong supply.

ADVERTISEMENT

Nang tanungin kung may magbabago sa vaccination process ngayong magbabago ang quarantine classifications sa bansa, sinabi ni Herbosa na tuluy-tuloy ang vaccination.

Ayon kay Herbosa, wala pang polisiyang inilalabas ang IATF tungkol sa pagbabakuna sa mga batang edad 12 hanggang 17 anyos.

Kailanganumano manggaling sa vaccine expert panel ng DOH ang rekomendasyon para aprubahan ng IATF. Mag-aanunsyo sila kaugnay nito.

Umabot na sa 39 million ang bakunadong Pilipino, kung saan 17 million ang fully vaccinated.

Inaasahan na aabot na sa 40 million ang mga nabakunahang Pilipino sa linggong ito.

—Ulat ni Jervis Manahan, ABS-CBN News


KAUGNAY NA ULAT

Watch more in iWantv or TFC.tv

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.