2 lalaki huli sa tangkang pagpuslit ng nasa 500 kawayan | ABS-CBN
ADVERTISEMENT
![dpo-dps-seal](https://od2-image-api.abs-cbn.com/prod/Seal_Image_OD.png)
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
2 lalaki huli sa tangkang pagpuslit ng nasa 500 kawayan

ABS-CBN News
Published Sep 15, 2020 06:19 PM PHT
![Clipboard](https://od2-image-api.abs-cbn.com/prod/ClipboardNews.png)
NAGUILIAN, Isabela — Dalawang lalaki ang inaresto sa bayan na ito noong Linggo matapos mabuking ang kanilang planong pagpuslit ng tinatayang 500 kawayan, na isang paglabag sa Presidential Decree 705 o Revised Forestry Code of the Philippines.

Batay sa impormasyon ng Isabela Police Provincial Office, nagsasagawa ng monitoring ang mga pulis sa Barangay Magsaysay nang maharang nila ang isang forward truck na may lulan na humigit-kumulang 500 piraso ng kawayan.

Naghanap ang mga pulis ng kaukulang dokumento sa driver na si Rolly Malicad, pero wala umano siyang naipakita.

Kinumpiska ang mga hindi dokumentadong kawayan at inaresto ang driver pati ang kaniyang helper na si Johnny Rivera.
Kinumpiska ang mga hindi dokumentadong kawayan at inaresto ang driver pati ang kaniyang helper na si Johnny Rivera.
ADVERTISEMENT
Hindi naman tinukoy ng pulisya kung pawang mga tauhan lang ang dalawang suspek at kung may mas malaking tao sa likod ng planong pagpuslit.

Alinsunod sa Section 72 ng Presidential Decree 705, itinuturing ang kawayan bilang isa sa mga minor forest products na pinapatawan ng 10 porsiyento ng kabuuang presyo kapag ibebenta sa merkado.

Pero noong nakaraang taon, inaprubahan sa Kamara ang House Bill 6625 na naglalayong gawing unregulated forest product ang kawayan. Ibig sabihin, ang pagkuha o pagbiyahe nito ay hindi na mangangailangan ng permit mula sa gobyerno.

Ilang panukalang batas ang isinusulong na rin para sa pagpapalago ng bamboo industry sa bansa kabilang ang Senate Bill 1478 o Philippine Bamboo Industry Development Act.

Sa Isabela, kabilang ang paggawa ng mga produkto mula sa kawayan sa mga lumalagong industriya, kung saan isa sa mga nangunguna ang bayan ng Angadanan.

—Mula sa ulat ni Harris Julio
Read More:
PatrolPh
Tagalog news
balita
krimen
bamboo
kawayan
bamboo tree
Isabela
Revised Forestry Code of the Philippines
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT