PANOORIN: Cagayan, binayo ng bagyong Ompong

Jeff Canoy, ABS-CBN News

Posted at Sep 15 2018 04:35 AM

Buong magdamag na nanalasa ang bagyong Ompong sa Tuguegarao, Cagayan.

Nakaranas ang mga taga-Cagayan ng walang humpay na pag-ulan, gayundin ang napakalakas na hangin.

Walang naging mahimbing ang tulog ng mga tao, lalo pa’t walang tigil rin ang kalampag ng mga yero.

Marami ang sinubaybayan ang pagtama sa lupa ng Bagyong Ompong.

Kwento ‘nung mga taga-Tuguegarao, bumalik ang ala-ala nila ng Super Typhoon Lawin noong 2006, kung saan binayo rin ng malalakas na hangin ang lungsod.

May mga ilang maliliit na istraktura na nabuwal ng malakas na hangin, may mga puno rin na napaluhod, at mga yerong tinangay.

Sa isang mall sa Tuguegarao, bumigay ang isang bahagi ng kisame sa labas ng mall.

Nasaktuhan pa ang pag-spark ng mga kawad ng kuryente sa gitna ng buhos ng ulan.

Walang kuryente sa buong lungsod, maliban sa mga bahay o establisyimento na may generator.

Tiyak na mas malalantad ang pinsala ng Bagyong Ompong kapag mas lumiwanag na sa umaga.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.