La Union patuloy na binabayo ng malakas na hangin at ulan | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

La Union patuloy na binabayo ng malakas na hangin at ulan

La Union patuloy na binabayo ng malakas na hangin at ulan

ABS-CBN News

 | 

Updated Sep 15, 2018 04:07 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

BAUANG, La Union (UPDATE) - Malakas na hangin at ulan ang nararanasan ng mga residente ng Parian Oeste dito sa bayan, Sabado ng umaga.

Biyernes ng gabi nang mag-umpisang ulanin at makaranas ng malakas na hangin ang mga residente.

Ilan sa kanila ay sinusubukan pang tapalan ang kanilang mga bahay dahil sa tuloy-tuloy ang malakas na hangin.

May ilang puno nang natumba sa mga kalsada habang ang ilang tanim na palay, dumapa na.

ADVERTISEMENT

Nagsagawa na rin ng forced evacuation sa karamihan ng mga barangay ng San Fernando City.

Pero may ilang mga residente pa rin ang nanatili sa kanilang mga tahanan dahil hindi nila kayang iwan ang kanilang bahay at mga alagang hayop.

Malakas na rin ang hampas ng alon sa dalampasigan ng Taberna. May rumaragasa na ring tubig papunta sa mga bahay.

Naka-standby pa rin ang rescue trucks at equipment ng iba't-ibang ahensya ng gobyerno sakaling kailanganin nang mag-rescue.

Samantala, malakas rin ang hangin at ulang nararanasan sa bayan ng Luna.

Ilang bahay na ang nasira. Nagliliparan na rin ang mga yerong bubong.

Kasalukuyang nasa ilalim ng Signal No. 3 ang lalawigan ng La Union.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.