Ilang bahagi ng Zambales lubog sa baha dulot ng tuloy-tuloy na pag-ulan | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Ilang bahagi ng Zambales lubog sa baha dulot ng tuloy-tuloy na pag-ulan

ABS-CBN News
Published Sep 15, 2018 04:29 PM PHT
|
Updated Sep 15, 2018 04:38 PM PHT

Malaking baha ang sumalubong sa Zambales nitong Sabado dulot ng malakas na ulan na dala ng bagyong Ompong.

Lubog na sa baha ang ekta-ektaryang palayan sa lalawigan, habang hindi na madaanan ng mga maliliit na sasakyan ang hanggang baywang na baha sa bahagi ng national highway sa Barangay San Agustin.

WATCH: Floodwater rising in Brgy. San Agustin, Iba, Zambales, portion of national highway submerged, maybe impassable to light vehicles. #OmpongPH pic.twitter.com/hMu93dz9Ru
— Ron Gagalac (@rongagalac) September 15, 2018

Pinangangambahan ng mga residente ng Zambales na umabot sa ikalawang palapag ang baha sa lugar kapag tuluy-tuloy pa rin ang buhos ng ulan hanggang gabi ng Sabado.

May red rainfall warning pa rin sa Zambales kung saan inaasahan ang higit sa 30 milimetrong ulan at matinding pagbaha sa mga mababang lugar kaya agad na inilikas ang mga residente nito.

Sa Candelaria, may ilang bahay at gymnasium na nawasak sa bagyo. Nayupi naman ang ilang nipa hut sa lugar.

May ilang bahay rin na lubog sa baha.
May ilang bahay rin na lubog sa baha.
Sumailalim sa preemptive evacuation ang kalahati ng populasyon ng bayan ilang oras bago mag-landfall si Ompong sa Cagayan.

Nasagip rin ang 9-taong gulang na babae at ang kaniyang mga magulang nang magsimulang umapaw ang tubig sa kanilang tahanan sa tabi ng isang ilog sa Sta. Cruz.

Natumba naman ang ilang poste na nagresulta sa kawalan ng kuryente sa karamihan ng munisipyo sa Zambales.

Higit 2,000 katao o halos 600 pamilya ang lumikas sa Sta. Cruz. Dinala sila sa mga evacuation center sa mga public school, village hall, at health center.

-- Ulat ni Ron Gagalac, ABS-CBN News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT