Babae patay sa pagguho ng lupa sa Baguio | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Babae patay sa pagguho ng lupa sa Baguio

Babae patay sa pagguho ng lupa sa Baguio

ABS-CBN News

 | 

Updated Jan 26, 2020 04:11 PM PHT

Clipboard

Gumuho ang lupa sa bahagi ng Marcos Highway sa Baguio City dahil sa pag-ulan dulot ng Bagyong Ompong. Screengrab

MAYNILA - Patay ang isang babae sa pagguho ng lupa sa lungsod ng Baguio matapos ang pananalasa ng Bagyong Ompong nitong Sabado ng umaga.

Natabunan umano ng lupa ang hindi pa nakikilalang babae sa landslide sa likod ng isang bahay sa Barangay Bakakeng Central.

Watch more in iWantv or TFC.tv

Inabot ng halos 1 oras bago nakuha ang biktima na sinubukan pang isalba at isinugod pa sa ospital ngunit hindi na umabot ng buhay.

Kasalukuyan namang nasa ospital ang kapatid ng babae na nasaktan sa pagguho ng lupa.

ADVERTISEMENT

Higit sa 5 pagguho ng lupa na ang naitatala sa Baguio simula Sabado ng umaga dahil sa patuloy na pag-ulan dulot ng Bagyong Ompong (Mangkhut).

Isinara na ang Kennon Road at Marcos Highway dahil sa nasabing mga pagguho ng lupa.

Ang Harrison Road naman sa Baguio ay pansamantalang isinara dahil sa umapaw na tubig. Baha na rin ang ilang bahagi ng City Camp Lagoon sa lungsod.

- ulat ni Micaela Ilao, ABs-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.